Manila MegaStack 12

noli-cruz-all-n

Pagkatapos ng Asian Poker Tour (APT) Series dito Pilipinas, ang PokerStars naman ang magpapasiklab sa pamamagitan ng Manila MegaStack 12 na nakatakdang ganapin sa Okada mula Mayo 24 hanggang Hunyo 2.

Katulad ng naka­gawian, ang unang pasabog ng Manila MegaStack ay ang Kickoff Event nito na may garantisadong premyo na P3 milyon at entry fee na P12,000.

Garantisadong prem­yo na P10 milyon naman ang nakataya sa Main Event na may entry fee na P33,000.

Mas maraming manlalaro ng poker ang sumasali sa mga serye ng PokerStars kumpara sa APT dahil sa mas madaling makapasok in the money (ITM) sa una.

Kapag kasi nakalampas ka sa Day 1 sa malalaking events ng PokerStars ay ITM ka na agad.

Kaya naman inaasahan ulit na libo-libong manlalaro ang dadagsa sa Okada para sumali sa Manila MegaStack na inoorganisa ng Poker­Stars.

Noong nakaraang taon ay may isang event ang PokerStars na umabot sa mahigit P60 milyon ang garantisadong premyo at lahat ng nakapasok sa final table ay naging milyonaryo.

Ang tatlong nanguna sa Asia Player of the Year (APOY) race ng PokerStars noong 2018 ay puro mga Pinoy sa pangunguna ni Mike Takayama at sinundan nina Alexis Lim at ­Richard Marquez.

Medyo tahimik ngayon si Lim pero si Marquez ay gumawa agad ng ingay sa pagsisimula ng taon matapos angkinin ang Main Event ng PPPoker World Championship noong Pebrero na ginanap din sa ating bansa.

Si Takayama naman ay nagsisimula na ring uminit matapos makakuha ng pitong pigurang premyo sa high roller event ng APT.

Hindi rin siyempre magpapatalo ang iba pa nating beteranong manlalaro tulad nina Marc Rivera, Lester Edoc at Christopher Mateo.

Good luck players!