Mga laro ngayon (Makati Coliseum)
10:00 a.m. – Pateros vs. MMDA
11:30 a.m. – Taguig vs. Las Piñas
1:00 p.m. – Makati vs. Mandaluyong
Dalawang panalo agad ang kinubra ng Manila sa first week ng Metropolitan Basketball Tournament.
Buena-manong biktima ng All-Stars ang 16-under champ Marikina, 79-72, noong Linggo sa Makati Coliseum, sinundan ng paggutay sa Navotas, 113-71, noong Huwebes sa homecourt nilang San Andres Sports Complex.
Limitadong 18 minutes lang sa loob si Kimberly Olmoguiz pero nakapag-deliver ng 18 points, seven rebounds, tig-four assists at steals, at isang shotblock kontra Navotas.
Noong Huwebes, naligtasan ng Quezon City ang Navotas, 89-80, at nakabawi ang QC Stars mula sa 92-91 overtime loss sa San Juan noong opening day.
Naiwan ng hanggang 38-8 ang Supremos, pero nanindak sa apat 36 seconds na lang sa laro bago nagkasa ng pamatay na 5-0 windup ang QC.
Hinati sa North at South divisions ang 24-and-under tournament, single round-robin per division o six game sa bawat team sa classification.