Manila walang pasok sa Disyembre 26 – Mayor Erap

Kasunod ng dek­larasyon ng Malacañang, nagdeklara na rin ng suspensyon ng pasok sa trabaho si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa Dis­yembre 26.

Batay sa Executive Order No. 45, walang pasok sa tanggapan ng Manila City Hall maliban sa mga departamento na may kinalaman sa pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan.

Kabilang dito ang Manila Health, MDRRMO, at Manila Department of Social Welfare.

Ayon kay Mayor Estrada, ito’y pagbibigay din ng panahon sa mga empleyado na maipagdiwang ang Pasko sa Miyerkoles, Disyembre 25, nang walang alalahaning trabaho kinabukasan.

Una nang idineklarang holiday ng Malacañang ang ­Dis­yembre 26 at ­Enero 2, 2019.