Mga kasabong, laganap pa rin ang mga tsope­an sa sabungan. Sabi nga eh hindi maiiwasan pero ­puwedeng mabawasan.

Hindi na sila naku­kuha sa bugbog kasi sanay na ang katawan nilang ­magulpi, hehehe.

Siguro ang magandang gawin sa mga hinayupak na ‘yan eh bukod sa bugbog ay ikulong nang matagal at ipaskel ang pagmumukha nila sa sabungan, ikalat din sa mga sabungan sa probinsya para kapag lumipat ng lugar ay mamumukhaan sila.

Kawawa naman kasi ‘yung mga ibang nagtatrabisya at mamamago, kapag nalagay pera nila sa tsope, walang kalaban-laban, butas ang bulsa nila.

Masasabi nating mga “Peste” sa sabungan ang mga maniniyope.

Sa mga gumagawa ng kalokohan at sumisira sa sabong eh lumaban na lang po tayo nang parehas, maganda at maginoong laban ang sabong. Masaya sa sabong, huwag lang PO sasamahan ng kalokohan.

***

May sultada ngayong araw sa Pasay City Cockpit, baka gusto ninyo magtrabisya mga kasabong. Ilalarga ang “FaFaFa Big Event” 6-Cock Derby kaya tara na at mag-enjoy.

Puwede rin naman sa Lucena Cockpit dumayo ngayong araw dahil may 2 Hits Ulutan doon kaya pili na lang mga klasmeyt kung saan kayo ­komportable. Good luck!

***

Congratulations kay Boss Biboy Enriquez at ­Robie Panis sa matagumpay na GameFowl Seminar nila na ginanap sa Mira Hills Bar and Restaurant sa Bantay, Ilocos Sur noong Miyerkoles.

Ang naging topic ng seminar ay Farm Management, Gaffing Techniques at Product Presentation.

Dinagsa ito ng mga tropa kong sabungero sa Ilocos at ayon sa kanila ay marami silang natutunan. Malaking tulong sa mga sabungero ang seminar nina Boss Biboy at Robie kaya sana marami pa silang matulungan.
Mabuhay po kayo!