Balik-Wildcard Gym ni American trainer ­Freddie Roach sa Hollywood si Filipino boxing legend Manny Pacquiao Lunes (Martes sa Pilipinas) matapos mawala nang dalawang taon.

Ang Wildcard gym ang nagsilbing tahanan ni Pacman sa Amerika mula nang una nitong laban kontra Lehlo Ledwaba ng South Africa noong June 23, 2001 at malaking bahagi rin ito ng tagumpay ng boksingero.

Bago ito, maraming nagtatanong kung babalik pa sa Wildcard ang eight-division champion dahil sa huling laban nito sa Malaysia kontra Lucas Matthysse ay hindi niya kinuha si Roach bilang kanyang trainer.

Nasa huling phase na ng kanyang training camp si Pacquiao para sa paghahanda nito sa nalalapit nitong laban kontra Adrien Broner sa Enero 19, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas para depensahan ang kanyang WBA welterweight crown.

Fergus Josue Jr .