Manny, Floyd highest paid ng dekada

SPORTS TANAW BALIK

Kabilang sa listahan ng Forbes top 10 richest athlete sa dekadang 2010-2019 eight-time world professional boxing champion Sen. Emmanuel ‘Manny’ ­Pacquiao kung saan nangunguna ang karibal niyang si Floyd ­Mayweather Jr. ng ­Estados Unidos.

Nasa number eight ang fighting senator na may $628M habang nangunguna sa listahan ng Magic 10 ang undefeated retired boxer na si Mayweather na mayroong tumataginting na $1.32B.

Naging malaking puntos para sa dalawang boksingero sa kanilang kinita nang magtunggali sa ‘Fight of the Century’ taong 2015 na nagbigay sa 42-anyos na Amerikano ng $290M.

Sportsmanship naman ang pinakita ni Mayweather nang magpaabot ng pagbat iba pang mga kasama niya sa prestihiyosong ­talaan.

“Congratulations to every athlete on this list!,” pahayag ni Floyd sa kanyang ­Twitter ­account. (@FloydMayweather) nitong ­Miyerkoles.

‘Di rin papahuli ang parehong European pro-footballer na sina Christiano Ronaldo ng Portugal at Lionel Messi ng Argentina nang mapabilang na rank 2 at 3 sa mga naisubing $1.15 at 1.08B, ayon sa pagkakasunod.

Sinundan si Floyd ni National Basketball Association star LeBron James ng Los Angeles Lakers ($982M), tennis legend Roger Federer ng Switzerland ($924M), Tiger Woods ng USA ($888M), American golfer Phil Mickelson ($693M), NBA star Ke­vin Durant ng Brooklyn Nets ($614M) at racing driver Lewis Hamilton ng Britain ($578M). (Aivan Episcope)