Manny ‘naaadik’ sa Korean actress

CERTIFIED na K-Drama Addict na nga si Jinkee Pacquiao. Sa lahat ng Korean actors, si Ji Chang Wook nga na kasalukuyang nasa military duty pa at next year pa madi-discharge ang pinakapaborito niya sa lahat.

Napanood na rin niya ang halos lahat ng K-Drama nito. At totoong may plano nga siya na mag-produce ng concert ni Chang Wook paglabas nito.

Nanood din daw siya sa KIA Theater nang magkaroon ng fan meeting si Park Hyung Sik kasama ang mga anak niya.

Pero mas naaliw kami kay Sen. Manny Pacquaio. Aba, akalain mo ‘yung Pambansang Kamao, isa rin pala sa mga nahihilig na sa Korean Drama, huh!

Nang banggitin namin ang Empress Ki na isa sa mga unang drama ni Ji Chang Wook, sinabi ni Jinkee na, “Empress Ki, mas napanood ‘yan ni Manny.”

Nang marinig nga ni Manny ang Empress Ki, siya pa ang nagsabi na, “Bakit narinig ko ang Empress Ki? Napanood ko ‘yun.”

Ha! Ha! Ha!

Anyway, si Ha Ji Won ang Korean actress na bida sa Empress Ki na posibleng siyang nagustuhan ni Manny.  Isa si Ha Ji Won sa mahuhusay na Korean actress talaga.