Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 kaarawan Lunes, namahagi si eight-­division world champion at Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng 2,000 grocery bags sa isang barangay sa Maasim, Sarangani nitong Linggo.

Ipinagdiwang ng WBA welterweight champion na si Pacquiao ang kanyang kaarawan at noong Linggo ay nama­hagi ng groceries na ­naging tradisyon na nito tuwing sasapit ang ­Disyembre 17.

Bukod sa groceries, sa mismong birthday ni Pacman ay mami­migay ito sa kanyang kababayan ng ilang gamit gaya ng kotse, motorsiklo at appliances sa isang mall sa General Santos City.
Ayon kay Mel Ber­nabe, isa pinakapinagkakatiwalaan ni Pacquiao, isang Ford Ranger pick-up, Toyota Vios, dalawang Suzuki Dzire, 58 na motor, 24 na 40-inch LED television at 1,250 na mga regalo ang ipamimigay.

“This is Senator ­Pacquiao’s way of ­sharing his blessings to people especially the poorest of the poor,” ani Bernabe.

Magbabalik-lona si Pacquiao sa Enero sa 2019 at dedepensahan nito sa unang pagkaka­taon ang kanyang WBA welterweight title kontra American boxer na si Adrien Broner sa MGM Grand sa Las ­Vegas, ­Nevada. ­