tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
May katotohanan nga kaya ang chika nitong si Jess Falcis na may mga komentaryo na ipinapahayag sa kanyang radio program laban kay Kris Aquino na wala sa ­hulog at ‘di kainam?
Ano ngayon ang naging pakinabang niya sa ikinilos niyang ito, ano pa nga, pangmalakasang bashing at hating mula sa mga nananalig at nagmamahal kay Kris Aquino.
Kung may katotohanan nga ang balitang ito, nasa katwiran ba ang ginagawa ng mga supporter ng Digital Empress, na pukawin ang atensyon ni Manny Pangilinan, owner ng TV5 at siya ring owner of a telecommunications giant kung saan si Aquino ay endorser?
Sa true lang, there are better things to do than listen to Falcis’ radio program, right? Sobrang takang-taka nga at gusto kong mahibang na he has a show on radio to begin with. Hindi ko alam kung ang mga kuda at hanash na pinakawalan niya para kay Aquino kasi nga ang tunay na nagmamahal kay Krissy, up in arms laban kay Falcis.
May mga nagtatanong tuloy kung bakit tila hinahayaan daw ni Mr. MVP si Falcis sa hindi tamang pagtrato diumano at pangmamaliit sa pagkatao at tayog ni Aquino – nagkataong isa sa mga pinakamalaki niyang ­endorser.
Ang iba, ang hiling ay pagpapaliwanag kung ang ginagawa raw ba ni Falcis ay alinsunod at patotoo sa corporate values ng binibigyang-importansya ng kompanya ni ­Pangilinan.
Hay, naku! Mr. MVP, Mr. MVP, pulos na lang Mr. MVP na maaaring walang malay sa mga kaganapan. Ibang tao ang nagpi-feeling na may pribilehiyo siyang magsuplado, si Mr. MVP tuloy ang sinisi at parang siya pa tuloy ang may kasalanan.
Nasa korte na ang laban, du’n mo na lang ipa­kita ang husay at tapang mo. At yes, pauwiin mo na ang kapatid mo para masimulan na ang millennial war of the roses.
Walang duda na aware na si Kris sa mga drama ni Falcis kaya ka­hanga-hanga ang kanyang pahayag sa IG, kahit pa nga may mga umuudyok sa kanyang pumatol dito. Ang sabi ni Aquino, “I have never referred to him in a derogatory manner, so I ask that we all refrain from improper language. Justice is won based on truths, not through insults.”
Ganyan ang tamang pagsagot sa taong alam mong nang-uurat lamang.
Sabi ko na sa inyo, dear Abante Tonite, maraming aral na matututuhan sa giyerang ito. Ang lesson for today, “You can always buy education, but never breeding and class. That’s all.”

Mariel itinakwil ang pagiging beauty queen

Si Mariel de Leon, may mga aria na ayaw na niyang matawag na beauty queen. Sa kanyang IG story, wala raw halaga sa kanya ang pagiging beauty title holder.
Ang mas mahalaga para sa dalaga ay ang kanyang sarili, pamilya, mga aso, sining at classical music.
Sabi niya pa, “I don’t want to surround myself with toxic, negative, and fake people anymore. I like having a simple, quiet, and private life – unless I post something on MY social media. It is mine.”
Very well said naman ang mga hanash ni Mariel, ang pinagtataka ko lang talaga, ayaw mo naman palang maging beauty queen, why did you join a beauty pageant to begin with?