Mga laro sa Miyerkoles
(Araneta Coliseum)
4:30 pm Magnolia vs Columbian
7:00 pm NLEX vs GlobalPort
Mahina ang signal ng TNT KaTropa sa Antipolo, full charged naman si Alaska forward Vic Manuel.
Sa likod ng career-high 29 points ni Manuel, start-to-finish na kinumpleto ng Aces ang 110-100 panalo kontra KaTropa sa Ynares Center kagabi.
Kinontak ng Alaska ang third straight win sa PBA Commissioner’s Cup, binangasan ang dating malinis na kartada ng biktima para pantayan sa 3-1 kaakbay sa lead ang Meralco at Rain or Shine na nakikipaglaro pa sa San Miguel Beer sa second game kagabi.
Si Manuel ang nangingibabaw sa tatlong sunod na panalo ng Alaska, 12 of 18 mula sa field kagabi at nagbaba pa ng 12 rebounds sa loob ng 25:31 off the bench.
Tumapos ng 23 points at 20 rebounds si Antonio Campbell sa Aces, may 10 points si JVee Casio at eight points, eight assists kay Chris Banchero.
Lumayo ng hanggang 25 ang Alaska na 9 of 23 sa 3-point shooting bagama’t 17 for 31 lang sa stripe.
Naiwan 59-43 sa halftime ang Texters, bahagyang nakabalik sa third pero naiiwan pa rin 85-67 papasok ng final quarter.
Sa fourth ay sinalag na lang ng Aces ang tangkang balik ng TNT, laging may sagot si Manuel kapag nagbabantang mag-rally ang Texters.
Pinangunahan ng 18 points off the bench ni Jayson Castro ang Texters, may 17 si Terrence Romeo. May 16 points si import Jeremy Tyler na 6 of 15 sa field at nagbaba ng 11 boards.
Inalat sa long range ang TNT, 12 lang sa 36 na pukol sa labas ng arc ang naipasok. (Vladi Eduarte)