Team Standings
(PBA Commissioner’s Cup)
W L
Rain or Shine 3 0
TNT 2 0
GlobalPort 2 1
Alaska 2 1
Columbian
Dyip 2 2
Phoenix 1 1
*Meralco 1 1
Ginebra 0 1
*NLEX 0 2
Blackwater 0 4
San Miguel 0 0
Magnolia 0 0
Mga laro bukas:
(MOA arena)
4:30 pm Magnolia vs Phoenix
7:00 pm San Miguel vs Meralco
Nabalaho ng pagkalalim-lalim ang Columbian Dyip nang pasadsarin ng Alaska 134-103 sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Sa matikas na laro ng reserves ni coach Alex Compton na sina Vic Manuel, Noy Baclao at Abel Galindez ay kinubra ng Aces ang pangalawang panalo sa tatlong laro sa PBA Commissioner’s Cup.
Balik sa lupa naman ang Columbian, natikman ang pangalawang talo sa apat na laro.
Kumalas ang Alaska sa nakakangilong 41-9 atake sa second quarter para pabukahin ang manipis na 31-28 lead pagkatapos ng first tungo sa 73-37 lead sa break.
Sa breakaway quarter na iyon ay may 13 si Manuel, 20 sa first half tungo sa team-high 26 mula sa 12 of 17 shooting.
“Sa third quarter wala na akong ginawa eh,” biro ni Compton, sabay sundot: “In the first half, especially in the second, we went up by 36. Then you just try to avoid a third-quarter meltdown.”
Pagkatapos ng three ay malayo pa rin ang Alaska 106-72, inalagaan na lang hanggang dulo.
Tumapos ng 22 points at 13 rebounds si Antonio Campbell, may 12 points, nine rebounds at five assists si Baclao. (Vladi Eduarte)