Manuel nagpa-tattoo ng Kobe logo

Hindi nagpahuli si Alaska franchise player Vic Manuel sa pagbigay ng suporta kay yumaong NBA legend Kobe Bryant matapos magpa-tattoo ng logo ni Kobe at ahas sa kanyang ­kaliwang binti.

Makikita sa Instagram story ni ‘Muscle Man’ na nagpatato siya ng logo ni Kobe na may caption pang ‘Mamba Forever’.

Trending naman ngayon ang finished product tattoo ni Vic matapos niyang i-post ito sa kanyang IG nitong Miyerkoles account.

Kinatuwa naman ng mga netizen ang aktong ipinakita ni Manuel kaya naman kanya-kanyang puri sa basketbo­lista.

@jeffrey_vardeleon: “Ganda idol.”

Dagdag ni @kuajhun27: “Angas kuya gusto ko rin yan.”

“Lupez idol,” ani @lokiisbad.

Nag-average sa Aces si Manuel last season ng 13.64 points at 5.64 rebounds per game. (­Aivan Episcope)