Susundin ng College of Saint Benilde ang lahat ng mga alituntunin na nakasaad sa batas matapos ang naganap na pag-aresto sa isa nilang coach na inireklamo sa pangmomolestiya ng isa rin nilang atleta.
Ito ang nilabas na opisyal na pahayag ng pamunuan ng CSB sa Malate, Manila matapos na iulat ang pagkakaaresto kay Dico Ili, coach ng pep squad team, na una nang inireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa panggigipit at pagsasamantala sa mga hinahawakang atleta.
“The alleged incident involving a coach and one of our student athletes which led to an arrest by the NBI on 18 February 2020 happened outside the confines of the school. As per official initial information, it was supposedly a private meeting arranged by the parties themselves when the arrest occurred. The school is not privy to the purpose of such meeting and other details,” ayon sa pahayag ng kolehiyo.
Una nang kinasuhan ng estudyante ang coach at kasalukuyang nasa ilalim ng imbestigasyon ng mga kinauukulanng opisina ng CSB base sa kanilang sinusunod na administrative procedure. (Lito Oredo)