Manyakis sa Bulacan nalambat

Isang 32-anyos na lalaki ang dinakip ng pulisya makaraang tangkain nitong dukutin ang isang 21-anyos na babae na kanyang hinipuan sa Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Dennis Manuel, 32, residente din sa nasabing bayan na nahaharap ngayon sa mga kasong forcible abduction, act of lasciviousness at illegal possession of firearms.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang ‘Daisy’, 21, dalaga, dakong alas-onse ng tanghali nang hintuan at sapilitan siyang ipinasok ng suspek sa kanyang sasakyan sabay dakma sa dibdib nito at tinangkang halikan.

Dito na umano pumalag ang biktima at nagsisigaw kaya nasakote ng mga pulis si Manuel na nahulihan din ng baril.