Naging mapait man ang taon na ito para sa aktres na si Julia Barretto, hindi ito ang dahilan para hindi ma-enjoy ang nalalapit na pagtatapos ng 2019. Nagbabakasyon ngayon sa US si Julia kasama ang kanyang ina na si Marjorie at ang mga kapatid na sina Claudia, Leon at Erich.
Ibinahagi ni Marjorie ang family bonding nila sa kanyang Instagram. Caption niya sa post, “There’s something about LA that makes us so happy. The children and I have spent our holidays here for many years already, almost feels like home. Feeling so grateful today.”
Ang panganay na anak ni Marjorie na si Dani ay hindi present sa kanilang bakasyon dahil sa baby nito na si Millie.
Naging taunang tradisyon na nilang ilaan ang kanilang holidays sa bakasyon. Sa isang video na ipinost ni Marjorie ay makikita na masayang sumasayaw si Julia at ang bunsong kapatid niya na si Erich. (Rona Ronda)