Mapua luhod sa Benilde

Filoil Gerard Castor St Benilde 001

Kumalas sa fourth period ang College of Saint Benilde para paluhurin ang Mapua 64-49 kahapon sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup sa The Arena sa San Juan.

Tumikada si Gerard Castor ng nine points, five rebounds at tig-two assists at steals, may eight points si Kendrix Belgica sa Blazers.

Dikitan sa unang tatlong quarters, kumana ang Blazers ng 12-4 run sa pagbubukas ng payoff period para hawakan ang 57-47 bentahe wala ng 4 minutes sa laro.

Kumana si Christian Bunag ng 12 markers para sa Mapua.

Bukod kay Allwell Oraeme na lumayas sa bakuran ng Mapua, hindi rin naglaro si Darella Menina.

Samantala, naitakas ng Adamson University ang mahirap na 64-61 panalo kontra San Sebastian College.