Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10 a.m. — St. Benilde vs. Lyceum (jrs)
12:00 noon — Letran vs. San Beda (jrs)
2:00 p.m. — EAC vs. Mapua (srs)
4:00 p.m. — St. Benilde vs. San Sebastian (srs)

Isa sa mga pinaghahandaan ng ibang teams na nasa top four ay ang Mapua dahil sa pambato ng Cardinals na si reigning Rookie-MVP Allwell Oraeme.

Nasa pang-apat ang Cardinals (8-5), makakaharap nila ang Emilio Aguinaldo College Generals sa 92nd NCAA basketball tournament mamaya sa The Arena sa San Juan.

Nag-a-average si 6-foot-9 Nigerian Oraeme ng 16.8 points, 19.8 rebounds at 2.4 blocks per game.

Galing sa 101-97 overtime win ang Cardinals laban sa San Beda at muli nilang sasandalan si Oraeme para palakasin ang asam na makapasok sa Final Four.

Tumulong kay Oraeme sina Joseph Eriobu at point-guard CJ Isit na may 26 at 15 markers kontra Red Lions.

“For us to have a chance of winning this year, we need a total team effort not just rely on Allwell (Oraeme) or two or three players,” ani Mapua coach Atoy Co.

Sa dalawang huling laro ng EAC (5-9), kinaldag nila ang JRU, 63-60, at Lyceum Pirates, 78-76.