Ipinagkibit-balikat lamang ni dating Senador Mar Roxas ang lumabas na survey ng Pulse Asia kung saan wala siya sa Magic 12.

Ayon kay Roxas, luma na ang survey at hindi sumasalalim sa aktuwal na saloobin ng mga botante ngayong Mayo.

“That was two weeks ago, marami nang nangyari mula noon. Ang importante ‘yung totoong reaksyon ng ating mga kababayan na wala sa survey, wala sa porsyento. Napakainit at napaka-supportive ng kanilang pagtanggap sa akin.

So nandyan tayo hanggang sa dulo, ipaglalaban natin” wika ni Roxas sa isang ambush interview sa San Pablo Public Market.

Aniya, iba ang nariri­nig niya tuwing nag-iikot sa mga palengke
“May naririnig ako, ay matangkad pala sa personal. Ay, pogi pala sa personal. So kung magpapakita tayo ng perso­nal, eh baka mas maraming makukumbinsi, ‘di ba?” rason ni Roxas.

Sa palengke madalas mangampanya si Roxas dahil sa kanyang pana­naw na dito makikita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas.