Antonio Primo Villania-Arellano
Antonio Primo Villania-Arellano

NANGANAK na si Iya Villania sa panganay nila ni Drew Arellano na pinangalanang Antonio Primo Villania-Arellano. Medical City baby ang kanilang first born.

***

Maganda ang support group ni Joross Gamboa sa Brapack bike friends niyang sina Ryan Agoncillo, Paolo Abrera, Jericho Rosales atbp.

Kuwela si Joross Gamboa sa Superstar Duets na kapalit ng LipSynch Battle.

At katulad ng sinasabi niyang idolo niyang si Michael V, masusing pinag-aaralan ni Joross ang creative aspect ng production kaya nagtapos din siya ng kurso sa scriptwriting with Ricky Lee and Olive Lamasan as mentors.

Gusto pa rin niyang gumawa ng maraming pelikula kaya masaya siya sa cameo niya sa pelikula nina Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros na Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?

***

Maliban kay Joross, contestants sa Superstar Duets sinaMike ‘Pekto’ Nacua, Jerald Napoles, Rita Da­niela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace at Osang.

***

Judy Ann Santos at Gladys Reyes
Judy Ann Santos at Gladys Reyes

Parang nag-honeymoon ang mga pamilya nina MARA CLARA — Judy Ann Santos kasama si Ryan Agoncillo, at Gladys Reyes kasama si Christopher Roxas papuntang US.

Nagkasabay sila sa airport.

Papunta sina Juday & Ryan sa Las Vegas, habang sina Gladys & Christopher ay pa-San Francisco.

***

Showing ngayon ang Rated A na Cinemalaya Best Picture na Pamilya Ordinaryo.

Sana, masuportahan ito na mas maraming movie­goers para mas marami pang ganitong makabuluhang klase ng pelikula ang puwedeng ihain sa publiko.

***

Sa Sabado (Setyembre 3) na po nang 11:00 PM ang Maskara King sa Jee Spot, West Point St., Cubao, QC, malapit sa Chow King-Aurora Blvd.

Ayon sa producer na si Maecy Codamon, mahigit 30 bikini boys ang rarampa rito.

Sulit ang tiket na P300 (inclusive of 1 drink)!

Para sa sponsorship, maki­pag-alam sa cell# 0935-145-3859, 0999-311-4674.

***

Para kay Ai Ai de las Alas, hindi na dapat pinapansin ang bashers sa social media.

Negative vibes lang ito.

Sa Instagram, nag-post si Ai Ai, “FACT: Haters dont really hate you. In fact they hate themselves because you’re a reflection of what THEY WISH TO BE.

“THINK BEFORE YOU TYPE. STOP CYBERBULLYING.”

***

Nanguna sa box office ng North America last weekend (August 26-28) ang bagong bukas na Don’t Breathe ($26.4M).

Bawi agad ang produ dahil $10M lang ang budget ng horror movie na ito.

Matapos ang tatlong weekend na pa­ngunguna sa takilya, pumangalawa ang Suicide Squad ($12.2M), na naka-$283M sa apat na weekend.