Karamihan ng mga Filipino, may great Ameri­can Dream.

Ang pangarap na b­ituin ay makatuntong at mamuhay sa land of milk and honey, sa America kung saan lahat ng mga pangarap ay magiging totoo.

Ang hirap at sakit para maabot ito — iyan ang inilahad ng Toto, kung saan bida si Sid Lucero.

Lucero is an intelligent and cosmpolitan person in real life at duda ako kung mabibigyang-buhay niya ang isang Pinoy everyday man.

Mali ang duda ko.

Sa pelikulang ito, Sid became the regular guy who did not only blend sa chaotic environ niya, parang doon talaga siya lumaki, nagkaambisyon, umiyak, tumawa, nagmahal, naging tunay na lalaki.

Sid shines and s­parkles in all his scenes.

Laging tapat, laging bukal.

Hindi lang laman ang kanyang ibinibigay, kundi tunay na emosyon na mula sa puso.

Maigting ang labing-labing niya kina nina Mara Lopez (Tessa) at Liza Diño (Eve), dala­wang sakdal husay na babae sa kanilang pagganap.

Si Mara bilang babaeng tunay na mahal, si Liza bilang babaeng parausan at ticket papuntang Amerika.

Unforgettable cinema moment ‘yung confrontation of these equally great ladies.

Si Lopez, may poot at hinagpis. Si Diño, may dramang pakialam ko sa iyo, I got what I want so deal with it to your face na emote.

‘Pag pinapanood mo ang Toto, you cannot help but root for the character of Sid.

Gusto mo talagang maabot niya ang pa­ngarap niyang jackpot na Amerika.

As the film progressed, more than just being accustomed to Toto, you get to realize na just like you, dreamer ka rin and you admire the guts and balls na meron si Toto.

***

TJ Trinidad
TJ Trinidad

ANG pelikulang W­orking Beks ay tungkol ito sa limang bekibels.

Si Tommy (TJ Trinidad), corporate tiger, top honcho sa isang energy drink company, may lover/husband at may dalawang anak na babae.

Proud, out, intelligent, sophisticated so ripe for the promotion that he worked hard for kaya lang… surprise, surprise, hindi ibinigay sa kanya.

Kasi, bakla siya.

Si Gorgeous (John Lapus), ang all mine to give breadwinner sa isang pamilyang pwedeng mong ikumpara sa mga walang utang na loob na parasites.

May tatay pang brusko, bastos at batugan.

Si Champ (Edgar A­llan Guzman), isang sikat na TV star. Nagtatatago at hiyang-hiya matapos pumutok ang kanyang sex video scandal.

Si Mandy (Joey P­aras), pinipigilan ang kanyang katawang lupa at damdaming beki.

Ikakasal na siya sa babae.

Si Jet (Prince Stefan), isang bortang call center agent na mas makati pa sa gabi at kangkarot na bottomesang ninerbiyos sa katotohanang baka HIV+ siya.

Ang pinaka-striking na elemento sa akin sa Working Beks ay ang katotohanang kadalasan, kung sino pa ang STRAIGHT, sila pa ang mas walanghiya at mas nakakasakit.

Perfect example dito ang boss ni TJ na sukang-suka pala sa kanya.

Para bang utang na loob pa ni Tommy ang lahat ng tagumpay niya kahit pinaghirapan at pinagsumikapan niya iyun.

But the boss can only tolerate so much.

Ang tatay ni Gorgeous… Marami pa ring bruskong tatay na sinasaktan ang kanilang mga baklang anak at may mga nanay pa rin na porke may baklang anak, inaabuso ang kabaitan nito at pinapaako ang lahat ng responsibilidad dahil ‘pamilya’ naman tayo.

May mga baklang walanghiya rin.

Just like the manager of Champ, na siyang may pakana at pakulo pala of the sex video scandal.

May likas ding mababait at matulungin, ang gwardyang (Jeric Raval) magiliw kay Gorgeous, ang mapagmahal na nanay (Raquel Villavicencio) ni Champ, ang maunawaing maybahay (Cai Cortez) at ang a­ssistant at best friend ni Tommy na love siya all the way.

In terms of performances, TJ Trinidad as Tommy delivered the most tempered and truthful performance.

Sophisticated, never going overboard, even the manner he confronted his boss, empress na empress, class na class.

As the passive Gorgeous, John Lapus was superb. Lalo na ‘yung eksenang tumili siya ng walang sound at patok ang innocent flirtations nila ni Raval.

Marunong palang umarte si Prince in a role na parang hindi na siya umaarte at all.

Kudos as well to Joey Paras who gave a new meaning to the saying “it only hurts when you laugh.”

Of course, as Champ, si Edgar Allan Guzman ang ‘reyna’ sa pelikula.

As the conflicted and torn matinee idol, ilang beses akong pinaluha ni EA.

‘Yung mother and son confrontation nila ni Villavicencio na may makadurog-pusong, “Mommy, hirap na hirap na ako…” Iyung big reveal aria niya at ‘yung look of love in his eyes… juice ko! Saan ba galing ang husay mo, Mr. Guzman?