Marami sanang trabaho sa ‘Pinas

Dear Abante Tonite:

Hindi na iba ang kuwento ng mga OFW na namamatay o pinatay sa ibang bansa. Hanggang kailan pa ba mangi­ngibang bayan ang ating mga kababayang Pilipino? Kung tunay pong umuunlad ang ating ekonomiya bakit marami pa rin ang pinipiling umalis ng ating bayan?

Bakit ang palagi mong maririnig sa ating mga kapwa Pilipino ay ang pag-unlad ay paglisan sa ating inang bayan? Kailan kaya mananahan na lamang ang ating mga nanay, tatay, ate, kuya, tito, tita, lolo, at lola sa ating bayan? Sapagkat habang may nangingibang bayan patunay lamang na kahirapan at gutom ang kinakaharap ng marami sa atin.

Kaya naman isulong natin ang makatarungang pasahod at oportunidad sa bawat Pilipino nang sa gayo’y wala nang Joanna Demafelis na natagpuang patay sa loob ng isang freezer at Jeanelyn Padernal Villavende na uuwi na lamang bangkay sa ating bayan.

Flor Filipinas ng Caloocan