Maraming guminhawa sa sabong

Maraming guminhawang sabungero nang nilagay lang nila sa tama ang pagsasabong.

Maglaban, magtrabesiya o magkristo, ilan lang iyan sa puwedeng mga puwedeng pagkakitaan sa loob ng mga sabungan.

“Kung magtarabesiya, magdalang lang ng tama at huwag sobra, magsabong lang ng kaya,” ayon sa isang tips ni sabong idol Charlie “Atong” Ang.

“Kung ano lang ang kaya mo hanggang doon ka lang huwag na kaming gayahin,” dugtong ni Ang, isa sa mga organizer ng World PitMaster Cup.

Payo rin ng ibang mga matatagal nang nagsasabong, na makuntento lang sa panalo, kapag nakatangay ng tamang halaga umayaw na anila para umuwing panalo at masaya.

“Hindi naman natin mauubos ang pera sa sabungan kaya kapag panalo na ay takbo na para may maiuuwi sa pamilya,” panapos ni Joel Parlago, isa ring sabungero.

Sa ngayon ay bawal pa nga lang magsabong dahil namiminsala pa ang Covid-19. (Elech Dawa)