Maraming lifters sa 2020 Tokyo Olympics — Nyoks

Puntirya ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (Philippine Weighting Association noon) na makapgpadala ng maraming atleta sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Ayon nitong Lunes kay SWP President Monico ‘Nyoks’ Puentevella, maraming pambatong weightlifters para matulungan sina Olympians Hidilyn Diaz at Nestor Colonia sa pag-represent ng bansa sa Summer Games na aarangkada sa July 24-August 9, 2020.

Mangunguna sa local weightlifters si Vanessa Sarno, 16-year-old prodigy na nanalo ng dalawang gold medals sa Asian Junior and Youth Championships sa Pyongyang nakaraang buwan.

Inungusan ni Sarno ang pinapaborang North Korean at Uzbek lifters sa finals, kaya malaki ang tsansang makakuha ng tiket sa Summer Games.

Bukod kay sa Sarno, may ipinagmamalaki pa ang SWP, sa katauhanmsina Eileen Ann Ando, Kristel Macrohon at Margaret Colonia.

“We want to become the sports association with the largest number of Olympic delegates,” hirit ni Puentevella, former Bacolod lawmaker, chairman ng Philippine Olympic Committee at commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Like Hidilyn when she competed in the Beijing Olympics in 2008, we are also exposing our young players to international competitions as early as 16 years old. We are preparing them early and want them to qualify in the Tokyo Olympics so that by 2024, they already have the experience to become Olympic medalists.” (Elech Dawa)

Malaki naman ang tiwala ni Philippine Sports Commission, (PSC) Chairman William Ramirez sa kakayahan ng mga weightlifters lalo na kay Diaz.

“Hidilyn was heaven-sent to Philippine sports. She inspires us all to work harder,” hayag ni Ramirez. “We will continue to support her, the weightlifters and all the other athletes as we aspire to send more champions and winners to every podium.”