Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangam­ba ng mga Pinoy na posibleng humina ang Pilipinas kapag iniatras ng mga Kano ang suporta at ayuda sa mga Pinoy.

Sinabi ni Pangulong Duterte kagabi sa “Mentor Me” Program Launch Grand Ballroom, Marco Polo Davao City na hindi dapat matakot ang mga Filipino kung bawiin man ng Amerika ang tulong sa Pilipinas.

Sakali man aniyang mawala ang ayuda ng mga Kano marami pang puwe­deng pumasok na mga tulong galing sa ibang mga bansa.

“…is the Amerika getting out, maraming papasok. Sa Intsik lang patay na sila, what could bring us down is really corruption and criminality. Walang papasok kung puro korap tapos madumi na magulo pa,” ani Duterte.

Sisikapin ng Pangulo na kumbinsihin ang mga alkalde na gayahin ang sinimulan niya sa Davao.

“I just convince also the other mayors to do it. Kagaya ng Davao, hindi ko naman sinasabing it’s a big deal kagaya ng Davao,” ani Duterte.

Kaugnay nito, umaas­a ang Pangulo na magbu­bunga ng positibong ­resulta ang kanyang magiging pagbisita sa China partikular para sa mangi­ngisdang Pinoy.

Nananalig si Duterte na mapahihintulutan na ang mga Pinoy na makapangisda sa mga pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China pagkatapos ng kanyang gagawing pagbisita sa Beijing.

“I hope to report to you good news when I shall have visited Japan and China. I’m quite positive sa China,” sabi ni Pangulong Duterte sa ­National Banana Congress 2016 sa SMX Convention Center sa Davao City.

“We will have the Filipinos returning to the traditional fishing grounds. I think they will ease up with the quality control with the banana,” dagdag nito.

8 Responses

  1. Anong ipapasok na negosyo ng mga intsik dito? pekeng bigas, pekeng gulay mga pekeng appliances at marami pang iba kasama na ang droga.

  2. Sayang naging masyadong nanaig ang galit ni digong sa mga bansa na tinitira nya. kung susumahin mas maraming at mataas ang korapsyon sa CHINA at halos mga politburo member pa me news block out kaya di nalalalaman pati yung human rights violation nila mataas. kung nakikita nya lang yung mga nawalan ng lupa a pilit kinukuha ng gobyerno para raw sa progreso na walang ibinigay na kapalit. marami ang taong galit din sa gobyerno nila di lang sila makapag express ng open dahil mas masahol pa sa martial law ang style nila. ikinukulong yung mga tao na alam nila na nag aaklas para di na makaimpluwensya. SAna di nagkamali si DU30 sa desisyon nya lahat ng bansa ay may pangsariling ninanais sa bawat tinutulungan nila at sana wag naman dumating sa panahon na ang tsina ay naghihimasok na. Dahil dyan pa lang sa isyu ng shoal makikita na yung intension nila.

  3. It seems that DU30 is not aware how chinesse conduct thier business in PH…chinesse in Binondo didn’t even pay their taxes correctly and didn’t even pay their employees according to minimum wage law..

  4. So far ang alam ko lang na pumapasok ngayon eh ung mga Tsekwa na inuubos ung mga kayamanang dagat ng Pilipinas na wala naman magawa. Nakapasok din ung malalaking barko nila para maghakot ng lupa sa Zambales.

  5. NEW BUSINESS FROM CHINA AND RUSSIA..

    Nag umpisa na mag pasok ng business ang China and Russia.

    One Russian and two Chinese ang nahuli nag papasok ng business sa Airport.
    Big Business DROGA SHABU.

    Welcome to P.I.