Nanawagan si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan ang hinaing ng mga mamamayan ng Marawi.
Partikular na ang apela ng Ranaw Multi-Sectoral Movement na panghimasukan na ng Punong Ehekutibo ang rehabilitasyon ng Marawi City at pabayaan na ang mga Maranao ang manguna sa pagtatayo ng siyudad para mapreserba ang kanilang kultura at pagkakakilanlan.
“We strongly urge Pres. Duterte, who traces his roots in Marawi, to heed their call and not be swayed by business interests, both local and foreign, who are now salivating over the area’s multibillion rehab fund,” pahayag ng solon.
Batay sa Office of Civil Defense (OCD) tinatayang nagkakahalaga ng P51.6 bilyon ang kinakailangang gugulin upang muling maibangon ang naturang lungsod.