2019 PSL All-Filipino Conference Team Preview
Papalo para sa opening day ng 7th Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019 ang F2 Logistics na pangungunahan ni team captain Aby Maraño.
Silver finish lang ang naabot ng Cargo Movers sa nakaraang conference kaya asahan na hahagupit pa ang mga ito sa pagdating ni Fil-Hawaiian Kalei Mau sa koponan.
“The reason why I chose F2 was mainly I thought about what team will benefit me as a player,” pahayag ni Mau.
Magbabalik din para sa F2 Logistics sina Kianna Dy at Kim Fajardo na na-injured sa nakaraang buwang Grand Prix.
Sa pamumuno ni coach Ramil de Jesus, target ngayon makuha ng Cargo Movers ang titulo sa All-Filipino Conference. (Janiel Abby Toralba)