Marawi bilang tourist hub suportado ng Palasyo

Aprub sa Palasyo ng Malacañang ang isinusulong ni Senador Richard Gordon na gawing tourism hub ang Marawi sa sandaling matapos na ang karahasan sa nasabing lungsod.

“We totally agree with Senator Gordon. The Department of Tourism recognizes the potential of Marawi as a tourist destination considering its cool weather overlooking a scenic lake plus the attraction of the university,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Dahil sa panukala, umaasa ang Malacañang na maging saklaw sa gagawing rehabilitasyon ng Marawi ang paglikha ng tourism master plan sa siyudad.