Ipinahayag ng isang obispo ng Simbahang Katolika sa Marawi na nakamit ang layunin ng pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao para sa kapayapaan ng rehiyon.

“I think it was providential na nagkaroon, naisipang i-proclaim ‘yung Martial Law dito sa Minda­nao dahil nga at least nagdulot ito ng kapayapaan.

Nakatulong ito sa pagsugpo sa masasamang element,” sabi ni Marawi Bishop Edwin dela Peña sa panayam ng Church-run Radyo Veritas noong Biyernes.

Ikinagalak din aniya ng mga taga-Mindanao nang matapos ang Martial Law sa rehiyon noong Disyembre 32, 2019 at nagbalik sa normal ang kanilang buhay.

Aniya, kapag laging nasa “emergency mode” sila ay hindi nila maiisip kung kailan babalik sa normal ang kanilang buhay gayundin ang mga komersyo at industriya sa Mindanao.

Mahirap aniyang manghikayat ng foreign investment sa Mindanao kapag laging may emergency situation.

Gayunman, inamin din ni Bishop Dela Peña na wala pa ring pagbabago sa Marawi City matapos itong mabawi mula sa mga teroristang kumubkob sa siyudad.

Aniya, naghihintay pa rin sila makalipas ang dalawang taon mula nang pasukin ng mga terorista ang Marawi.

Mayo 23, 2017 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao matapos lusu­bin ng ISIS-inspired Maute Group ang Marawi City.

Tatlong beses pinalawig ang Martial Law sa Mindanao. (PNA)