Ginagamit umanong kuta ng mga terorista ang mga mosque at madrasas sa Marawi City para sa patuloy na pag-atake sa mga puwersa ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.

“The major reason why the Maute terror group continue to hold around 10% of the city under their control is for them to attack the government forces,” ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla.

Karamihan umano sa mga mosque na pinagkukutaan ng mga terorista ay ginagamit ng kanilang mga sniper.

“Ginagamit nilang ‘sniper nests’, affording them good vantage points and protection, given the international laws against attacks on places of worship and other cultural property,” ayon pa kay Padilla.

Dahil dito, pinag-aaralan na umano ng militar na pasabugin ng bomba ang mga mosque bilang hu­ling paraan para mapulbos na ang mga kalaban at matapos na ang gulo.

“That is a matter we are studying carefully. We are considering it,” wika ni Padilla.

Ganunpaman ay patu­loy na ginagawa umano ng militar ang lahat upang hangga’t maaari ay huwag humantong ang lahat sa pagpapasabog ng mga bahay-sambahan.

“Our Chief of Staff has instructions to ground commanders to do everything to avoid this course of action,” pahayag pa ni Padilla.

Nanawagan na rin ang militar sa mga terorista na sumuko at iwasang gawing taguan ang mga mosque.

One Response