Dinakip ng mga miyembro ng 82nd Infantry Battalion at Philippine National Police (PNP) si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic dahil sa kasong rebelyon.
Sa bisa ng arrest order na may petsang Setyembre 4, 2017 ay dinakip si Salic sa city hall dakong alas-10:00 Miyerkoles ng umaga. Dumaan ito sa custodial debriefing at medical checkup bago tuluyang dalhin sa kustodiya ng pulisya.
Pinasalamatan naman ni Brig. Gen. Roberto Ancan, commander ng 1st Infantry Division ng Army, ang mga naging pagsisikap ng militar at pulisya sa Marawi para sa matagumpay na pagpapatupad ng Martial Law arrest order.
Napalawig pa ang Martial Law sa Mindanao hanggang Disyembre 2019, na unang ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng naganap na Marawi Siege noong 2017.