Nasa rookie year pa lang nila ang kambal na JC at JV Marcelino pero ibang klaseng angas na ang pinakita.
Malaking papel ang ginampanan ng kambal kaya nakarating ang Lyceum hanggang Finals ng NCAA Season 93 men’s basketball.
Winalis ang 18-game eliminations, tumukod ang Pirates sa San Beda sa dalawang sunod na laro sa championship.
Ayon kay Lyceum coach Topex Robinson, walang oras para magmukmok ang Pirates, uumpisahan agad ang paghahanda para sa Season 94.
Kasama na riyan ang paghahasa sa Marcelino twins na ngayong may tahid na ay magiging mas matindi pa sa hinaharap.
“Marcelino twins will be a great combo or combination in the future,” paniniguro ni Robinson.
Planong isali ni Robinson ang Pirates sa PBA D-League para dagdag-experience.
“I know we will learn a lot in there, makakalaban naman namin ang mga kuyas and it’s part of our preparation for Season 94,” anang coach.