Niregaluhan ni Marcelito Pomoy ng bagong masisilungan ang isang matandang babae na nakatira mag-isa sa sira-sirang bahay sa lalawigan ng Quezon.

Pinangunahan ng singer ang mga construction worker sa pag-demolish sa lumang tirahan ni Aurora Verano.

Binahagi niya ang video ng construction sa kanyang YouTube channel.

Sa ikatlong araw ay pininturahan na ng pula ang bahay ni Aurora.

Matapos ay nilagyan ito ni Pomoy ng mga gamit gaya ng kama, lamesa at upuan.

Hindi naman napigilan ni Aurora na maiyak matapos ipakita sa kanya ang bahay.

Nagpalasamat si Pomoy kay Aiza Hernandez, ang netizen na nag-post sa Facebook ng sitwasyon ni Aurora.(IS)