Marcial: 4 lang na player sa training

BY batch ang training sessions ng teams ng PBA sakaling payagan na sila ng Inter-Agency Task Force, anim na tao ang mag-eensayo bawat session.

Mahigpit ding ipapatupad ang social distancing, maya’t maya ay kukunan ng temperature ang players.

Apat na player, isang trainer at isang health officer na magbabantay sa temperature ng mga ito.

“Apat kayo sa isang court, kaya ‘yung social distancing magagawa natin,” wika ni commissioner Willie Marcial.

Gagawin ding hospital standards ang disinfecting sa training facilities.

“Ang hospital standard, apat na spray ‘yun,” paliwanag ng Commissioner. “May spray, may mist, may foam, may flooring. Tapos may testing pa tayo, alcohol. Lahat ng pag-iingat, gagawin natin.”

Bago payagang makapag-ensayo ang players, sasailaim muna sila sa rapid test, swab test at rapid testing pa ulit tuwing ika-10 araw.

“We should ensure the players that they will be safe and that proper testing will be done,” paniniguro ni chairman Ricky Vargas. (VE)