Marcial isisiwalat ang plano ng PBA

Ano ang mga nabago ng Covid-19 sa Philippine Basketball Associuation (PBA) sa ilalim ng new normal?

Paano na ang takbo ng Asia’s first play-for-pay league sa bagong kasalukuyang panahon?

Iyan ang mga ibubunyag ni commissioner Willie Marcial sa webcast edition ng PSA Forum ngayon.

Long hair na at hindi pa nagsa-salon mula nang kanselahin niya ang PBA noong March 11, ikukuwento ni Kume ang mga plano ng liga, kung maisasalba pa kahit isang conference na lang ang Season 45 o 2020.

Sasamahan si Marcial sa 10 a.m. session ni PBA deputy commissioner at operations manager Eric Castro sa talakayan na live sa PSA Facebook page (fb.com/PhilippineSportswriters Association) at Facebook page ng Radyo Pilipinas 2.

Mga hatid ang sesyon ng Smart, San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant at Pagcor.