Mga kontrata nakasalalay sa IATF gutom sa PBA

Nakasalalay sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang kapalaran ng PBA players na nag-expire na o mag-e-expire pa lang ang kontrata sa kanilang teams.

“Kung papayagan na tayo ng government na bumalik sa gym,” ani commissioner Willie Marcial sa online PSA Forum kahapon na mga hated ng San Miguel Corp., Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Go For Gold, at Smart.

Kapag hindi pa pinayagan ng IATF na makapag-ensayo ang teams sa July o August, hindi makakapag-renew ng kontrata ang players na mapapaso na ang kontrata.

Sapul nang kanselahin ang Philippine Cup noong March 11, may player nang natapos ang contracts noong May. Ang iba ay sa Aug. 31.

“Since May pa, may mga nag-e-expire na diyan,” dagdag ni Marcial. “Kaya gumawa kami ng policy na …. Kasi, walang games, walang ginagawa. Kaya ‘pag nagsimula itong practice na ‘to, within five day magpipirmahan na sila.”

Siyempre, kung walang kontrata ay walang suweldo.

“Ang alam ko. ‘yung ibang teams nagibibigay ng konting allowances,” paliwanag ng Commissioner. “Pero depende rin, eh. Kasi, tapos na nga ‘yung kontrata mo. Inabutan ka (ng coronavirus pandemic) sorry. (Vladi Eduarte)