Panigurado na sa 30th Southeast Asian Games 2019 ang dalawang pambato ng Pilipinas pagdating sa boksing.

Sila ay sina middleweight Eumir Felix Marcial at light heavyweight John Marvin na makakaharap ang matitikas na boksingero ng Asian region, sasamahan ang 13 pang kalahi, walo sa kalalakihan at lima sa female counterpart.

Nakakuha ng slot sina Marcial at Marvin dahil sila lang ang tanging mga atleta sa kanilang weight class, dagdag pa ang kanilang kalibre dahil sila ang Pinoy boxer na nakasungkit ng gold medal sa SEA Games noong 2017 sa Malaysia.

Kasama sa mga weight class na paglalaban-labanan ng bawat kalahok mula Thailand, Indonesia, Malaysia, Timor Leste, Cambodia, Singapore, Laos, Myanmar, Pinas at Vietnam ang light flyweight, flyweight, bantamweight, lightweight, light welterweight, welterweight, middleweight at light heavyweight.

Bago ang SEAG, maghaharap-harap muna ang mga boksingero sa 30th Asian Championships sa Bangkok sa parating na Agosto. (RMP)

Sila Carlo Paalam, Rogen Ladon, James Palicte, Mario Fernandez at Marcial naman ay hindi na sasali sa event para makapagpahinga dahil umano sa injury.
“We’re reserving them for the big ones – the World Championships and SEA Games. Fernandez is still recovering psychologically from his shock knockout loss at the Asian Games,” ayon kay ABAP secretary-general Ed Picson.