Naganap kay Ping Exciminiano ang iniiwasang mangyari ni PBA Commissioner Willie Marcial sa player at team.

Inabot ng Achilles injury si Exciminiano habang naglalaro sa ligang labas – liga na hindi awtorisado ng PBA.

Bawal sa mga nakakontratang player na maglaro sa ibang liga, lalo kung walang permiso ang mother team.

Lumalabas na hindi nagpaalam si Exciminiano sa Rain or Shine nang maglaro sa labas.

Ang siste, ibinitin ng Elasto Painters ang bagong two-year contract sanang ibibigay sa veteran guard. (VE)