Marcial nabuwisit sa maling tawag ng ref

Marcial nabuwisit sa maling tawag ng ref

Hindi lang mga PBA fan at NorthPort ang na-badtrip sa naging pito ng referee sa huling yugto sa laban kontra Phoenix Pulse at Batang Pier nitong Miyerkoles ng gabi.

Maging si PBA Commissioner Willie Marcial ay nabuwisit din sa nasabing tawag na offensive foul ni Sean Anthony kay Justin Chua dahilan para i-waive ang tres ng una sa huling 47 segundo ng laban, 96-all.

“Nu’ng nakita ko pa lang galit na galit na ako,” ayon kay Marcial na nanonood sa venue at kaagad na hinarap ang technical committee matapos ang tawag.

Sa naging statement ng PBA sa kanilang website, inamin ng liga na nagkamali ng tawag ang kanilang referee na si Noy Guevarra.

“It was an unfortunate mistake by the referee in calling the offensive foul and we regret the wrong call made,” ayon sa statement. “Accordingly, the erring referee shall be meted the appropriate sanction.

Saad naman ni Marcial, posibleng maharap sa suspensyon ang referee para maturuan ng leksyon at magsilbing aral na rin sa mga iba pang magfa-facilitate ng laro.

“Suspension lang, ‘yung hindi siya makakapagtrabaho, malaking bagay sa kanya ‘yun. Kung masu-suspend namin ito for one conference, siguro makikita ng mga referees na seryoso kami,” panapos ng PBA commissioner.