Marcio, Chris itinaas ang SMB;Aces dinausdos

Binalikat nina Marcio Lassiter at Chris Ross ang defending champion San Miguel Beermen para iligwak ang Alaska Aces 109-96, Sabado ng gabi sa PBA Philippine Cup sa pagdayo sa Batangas City Coliseum.

Kinawit ni Lassiter ang scoring sa unang ratsadahan, bumuhos sa third quarter para magsilbing giya para tapyasin ang ungos ng Alaska tungo sa pagkaldag ng 21 points, at walong rebounds.

Hindi naman nagpabaya si si Ross na bumirada ng 24 points, at nine assists, gayundin ang pagposte ni Arwind Santos ng double-double na 21 points, 14 rebounds, at humatag ng 4 assists at tatlong blocks para iahon ang SMB.

Ang three time MVP na si June Mar Fajardo ay gumawa din ng double-double na 17 points, at 18 rebounds para ihirit sa SMB ang abante hanggang sa 13 points sa huling segundo ng laro.

Una rito dumistansiya kampo ni coach Alec Compton sa 15 points second quarter 46-31 at sinustena ang kanilang bentahe hanggang sa huling tatlong minuto ng yugto.

Nagbago ang ihip ng hangin pagdating ng 3:10 ng third nang mahalibas ng tropa ni coach leo Austria ang 17-0 pasabog.

Ang beteranong si Jayvee Casio ay may 20 points, at six assists, na sinundan naman ni Sonny Thoss ng 15 points, seven rebounds para sa Aces.

May nalalabing huling dalawang laro na lang ang Beermen kontra sa laglag na KIA sa Peb. 23 at sa Rain or Shine sa Peb. 28.

Ang Alaska ay mayroon ng anim na panalo at apat na talo (6-4) at isang laro na lang laban sa RoS sa Biyernes.