Marco itinanggi ni Janella

tonite-pak-allan-dionesNilinaw ni Janella Salvador ang pagkaka-link nila ni Marco Gumabao matapos lumabas ‘yung photos nila na magkasamang gumigimik.

“Oh! My God, okay, it’s the first time I’m gonna speak up about this. Hindi talaga kami nagdi-date nu’n.

“It was like… at my age, there’s nothing wrong with going out and that’s what I was doing. I was just out. It was not just the two of us, we were with a lot of people. So, ayun lang.”

Nabigyan kasi ng malisya dahil parang cozy sila sa pics at magkadikit silang dalawa na parang may pagka-sweet ang dating.

“We’re friends kasi (ni Marco), eh. Wala, ‘yun lang talaga. We’re friends lang. We’re not dating. No, we’re not together,” pagkaklaro ni Jea.

I-e-entertain niya ba sakaling merong guys na gustong manligaw sa kanya? Is she ready for a new love?

“Not yet ready for a new relationship. But if it comes, I will know that it’s the right one na. Malalaman ko naman kung ready na ako. So, if it comes, then it will come.”

Ani Janella, happy siya na she’s resting and regaining her strength. Nagpe-prepare daw siya for this year at ang focus niya ngayon ay ang album niyang malapit nang i-release.

Masaya rin si Janella na nabigyan siya ng chance na magbida sa “Touch Screen” digital series ng iWant, sa episode na “Wittyrella.”

Ang tagal na raw niyang hindi nagti-taping, but it felt like home. Sobrang heartwarming daw kasi ng episode nila.

Hindi sure ni Janella kung kailan siya ulit bibigyan ng tele­serye ng ABS-CBN, pero may gagawin daw siyang movie with Regal Films na hindi pa niya alam kung sinong makaka-partner niya.

Mapapanood ang “Wittyrella” episode ng “Touch Screen” digital series sa iWant app on iOS and Android or you may access iWant through the web (iwant.ph) and register for free.
***

Thea pinandirihan ni Rayver

Touched si Rayver Cruz sa mga papuri sa akting niya sa “Asawa Ko, Karibal Ko” nang mabuking na niya ang tunay na pagkatao ng trans character ni Thea Tolentino.

Magkakasamang gulat, galit at pandidiri ang naramdaman ng karakter ni Ray na si Gavin kaya nasapak nito ang karakter ni Thea na si Venus, na dating si Nathan na mister ni Kris Bernal bilang Rachel.

Ang daming pumuri kay Rayver sa intense scenes niya, na ang hitad na Thea ay ginantihan din siya ng suntok sa mukha bilang dati nga itong lalaki.

Ang ganda ng naging samahan nina Ray, Thea at Kris at sobra silang naging close dahil sa “AKKK” na in fairness ay consistent na mataas ang rating sa GMA Afternoon Prime.

Bukas na ang finale episode ng “Asawa Ko, Karibal Ko” na papalitan ng “Dragon Lady” ni Janine Gutierrez, pero bago ‘yon ay mapapanood muna si Rayver bilang guest sa morning cooking-talk show na “Sarap, ‘Di Ba?” ng mag-iinang Carmina Villarroel, Cassy at Mavy Legaspi.