“Pa send please,” iyan ang lambing ni Marco Gumabao sa isang babaeng netizen na nagsasabing may nude photo daw siya nito.

Iba rin ang hitad, huh. Gustong mapag-usapan at magpa-famous. Atat na atat na magka-15 minutes of fame.

Mabuti na lang at sport ang hunky heartthrob sa ganitong mga bagay-bagay at binigyang-pansin niya pa talaga. Ibig sabihin lang nito, wala talagang nude photo na pakalat-kalat si Gumabao.

Si Marco na lagi namang ibinubuyangyang ang kanyang katawan sa mga underwear photo shoots niya, bakit nga kaya ang daming laway na laway at hayok na hayok na masilayan ang diumanong pambihirang palo-palo nito?

Juice colored! It’s just a penis, you know. ‘Yun lang ba ang asset nito at wala kayong pananalig na puwede siyang maging mahusay na aktor?

‘Pag binuyangyang niya ba, ano ang inaasahan niyong masilayan? Papasa ba siya sa inyong eksaheradang girl length at size standards? Diyan lang ba sinusukat dapat ang pagkalalaki at pagiging lalaki ni Marco Gumabao?

My gosh! Enough with this phallus obsession, please. (Alwin Ignacio)