May papuwet at pa-pubic hair si Marco Gumabao sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede”, pero ayaw niya ‘yong pag-usapan at panoorin na lang daw para surprise.

Sa tanong kung may Battle of the Bukol sila ni Tony Labrusca sa nasabing sexy drama movie with Lovi Poe ay ang lakas ng tawa ni Tony.

Si Marco ang nagpaliwanag na walang labanan na gano’n sa kanila ni Tony. Collaborative daw ang nangyari, na lahat sila ay nag-shine at walang naiwan.

In fairness ay si Marco ang reigning Bukol King sa Bench Body hunks kahit may mga ibang bagong mukha na nag-skimpy underwear din.

Hindi namin alam kung kering talbugan ni Tony si Marco dahil wala pang underwear endorsement si Tony na puwedeng ma-gauge kung may laban ba ito sa pabukol ni Marco.

Ang sabi ng dalawang hot hunks, sana raw ay hindi lang ‘yung love scenes nila ang makita ng mga manonood sa movie kundi ‘yung love story behind it at ang mga akting na ipinakita nila rito.

Ang batikang direktor na si Joel Lamangan, na napakabongga ng speech sa nakaraang Senate hearing tungkol sa ABS-CBN franchise, ang nagdirek ng “Hindi Tayo Pwede”.

Ang galing ni Direk Joel dahil nagawa niya pang i-promote ang movie doon sa Senado. Ha! Ha! Ha!

Inday Sara kinainggitan sa padala ni Pokwang

Sa tuwa ni Pokwang kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay balak itong padalhan ni Pokie ng kanyang PokLee products.

Nagpahayag kasi ng suporta si Inday Sara sa pagpapa-renew ng franchise ng ABS-CBN.

“Of course, malaki rin ang suporta ng ABS-CBN sa Davao City at sa buong bansa. Hopefully, ma-resolve in a very positive way ang issue ng franchise ng ABS-CBN,” pahayag ni Mayor Sara nu’ng Huwebes, na ikinatuwa ng maraming Kapamilya.

“Alam n’yo, si Presidente, maawain ‘yan na tao, so iniisip din niya ‘yung trabaho ng maraming employees ng ABS-CBN,” dagdag pa nitong sambit.

“Dahil diyan, padadalhan ko si Mayor Sara Duterte ng masarap na PokLee laing, sili aligue, garlic aligue, espesyal suka, gourmet tuyo at tinapa!!! Yaaahhhoooo pero paano?” ang shoutout ni Pokwang sa Facebook.

Ang daming nainggit sa post na ‘yon ni Pokie at sana sila rin daw ay padalhan nito.

Isa si Julius Babao sa nag-post tungkol sa support na ‘yon ni Inday Sara sa ABS at ni-repost ‘yon ni Angel Locsin sa IG Story nito.

In fairness ay bumobongga ang homemade food products ni Pokwang na siya mismo ang nagluluto. Isa sa una niyang naisipang ibenta ay ang kanyang espesyal na suka, na sinundan ng sarili niyang recipe ng garlic aligue at chili aligue.

‘Yung famous laing niya na paborito lang niyang ihanda at ipamigay noon sa mga kaibigan niya ay naisipan na rin niyang gawing business para lahat ay puwede nang makatikim nito.

Bagong dagdag sa PokLee products ‘yung bottled gourmet tuyo at gourmet tinapa niya, na umo-order kami pero sa second week of March pa raw available dahil ginagawa pa ang sticker na nilalagay sa mga bote.

Hilig talaga ni Pokie ang cooking at ang sarap niya talagang magluto kaya ang galing na naging negosyo niya ito, so meron siyang tiyak na pagkakakitaan mawalan man siya ng mga raket sa showbiz.

PAK!!

Heart ‘di ka-cheapan ang paghuhubad

Minsan lang mag-bare ng skin ang fashionistang si Heart Evangelista at kadalasan ay magagarang damit ang makikitang suot niya sa kanyang well-curated IG feed, kaya pasabog nang slight ang pa-bare back niya na ‘yon.

May humirit tuloy na sa dami raw ng damit ni Heart ay bigla nitong naisipang maghubad.

Bukod sa reaksyon nina Jessy Mendiola, Alex Gonzaga, Maja Salvado panay smiley with heart eyes emoji naman si Iza Calzado.

Iba raw talaga si Heart, may damit man o wala ay gandara pa rin at hindi nawawala ang pagka-class. Parang papunta na raw ito sa perfect.

PAK!!