version ni Gretchen Barretto ang bagong tukso ng press kay Marco Gumabao dahil kagaya pala ito ni Gretchen na nagdadala ng sariling microwave oven sa set.

Nu’ng mediacon para sa finale week ng “Los Bastardos” ay naging tampulan ng biro ang pagkakasira raw ni Albie Casiño sa microwave oven ni Marco.

Natatawang paliwanag ni Albie, ang alam niya kasi ay puwedeng gumamit ng paper plate sa loob ng microwave. Ang problema raw ay may aluminum coating ‘yung ibabaw nu’ng ginamit niyang paper plate.

So, akala raw ni Marco ay nasira niya ‘yung microwave nito.

“Paggising niya, nagwawala sa set. ‘Talaga ba? Sinira ni Albie ‘yung microwave ko? ‘Yun ba ‘yung tinuturo sa La Salle?!’” bulalas ni Albie.

Ang lakas ng kantiyawan ng cast dahil namemersonal daw si Marco. Depensa ni Marco sa sarili niya, ang co-actor daw nilang si Jake Cuenca ang nagsabi ng linyang ‘yon at hindi siya.

“Alam mo bro, respeto na lang sa mga taga-La Salle. Huwag nating idamay ‘yon,” hirit ulit ni Albie.

Natatawang palusot ni Marco, galit pa raw kasi siya kay Albie dahil sinuntok siya nito sa isang eksena nila dati.

Kantiyaw kay Marco, nagreak na raw agad ito ng gano’n, eh ang sira lang naman daw ay ‘yung saksakan nu’ng microwave.

So, hindi naman pala talaga ito nasira ni Albie?

“Amoy sunog lang. Ang sira, ‘yung ulo namin! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Marco.

In fairness, kita mo ‘yung closeness sa cast ng “Los Bastardos”, na isang taon din kasing magkakasama kaya para na raw silang isang pamilya.

Kahit minsan ay hindi maiwasang nagkakasakitan sila sa mga eksena nila, matibay pa rin daw ang samahan nila, lalo na ‘yung boys.

Ang pinaka-bonding pala nina Jake, Marco, Albie, Joseph Marco at Joshua Colet ay gym. As in wala silang ginawa kundi mag-gym, palibhasa puro sila hunk.

Kung panay ang gym ng boys, ang girls naman daw na sina Kylie Verzosa, Maxine Medina, Ritz Azul, Mica Javier at Mary Joy Apostol ay panay raw ang kain.

Ngayong Lunes na ang simula ng kapana-panabik na huling linggo ng “Los Bastardos”.

Ito pala ang pinakamatagal na serye sa “Precious Hearts Romances Presents” ng Kapamilya Gold dahil umabot ito ng 50 weeks.

Ogie-Regine kiyemeng nag-expect na Couple of the Night

Ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang pinakabagong dagdag sa humahabang listahan ng celebrities na may YouTube channel.

Nagsimula na kamakailan ang Team Alcasid sa pagpu-post ng kung tawagin ni Ogie ay ‘vlang’ o video lang (sa halip na vlog). Kaya ‘vlangers’ na raw sila, sabi ni Ogs.

In fairness ay nakakaaliw ang first video nila, na date night ng OgRe after nilang um-attend sa nakaraang ABS-CBN Ball.

Actually, natural naman talagang nakakatawa si Ogie at hindi niya kailangan ng script para magpa-comedy. Kaswal lang ang mga hirit niya, pero havey ang punchline.

Kuwela ‘yung nadapa ang naka-Filipiniana gown na si Regine doon sa may coffee shop ng Shangri-La The Fort kung saan sila nag-date. Naka-heels kasi si Reg at ang sakit na ng paa nito.

Sey ni Songbird, masaya ang kanyang first official ABS-CBN Ball pero na-stress daw siya nu’ng simula. Dalawa kasi ang gown niya at nagpalit pa siya after rumampa sa red carpet bago kumanta sa Ball.

Paborito ni Reg ang barong ni Piolo Pascual at gandang-ganda siya kay Julia Barretto na naka-Rajo Laurel gown. Pinuri niya rin sina Bea Alonzo, Anne Curtis, Kim Chiu at Kylie Verzosa.

Si Ogie ay kiyemeng nag-expect daw na sila ni Regine ang magiging Couple of the Night (na napunta kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati).

Kaya pala nang makita namin si Ogie last time sa Sine Sandaan event ay may hawak siyang Osmo pocket camera na ipinagyabang niya pa sa amin, ‘yun pala ay magyu-YouTube na rin silang mag-asawa.

As in halos lahat na talaga ngayon ng taga-showbiz ay nasa YouTube na.

Parang hindi ka in at mapag-iiwanan ka kung hindi ka YouTuber!

Kalerks!!

Kapamilya actress target ng kilalang male personality

Mukhang may something ang isang maalindog na Kapamilya actress (MKA) at isang kilalang male personality (KMP).

May nagtsika kasi sa amin na nu’ng nakaraang ABS-CBN Ball ay dumating si KMP doon sa hotel kung saan ginaganap ang event, para puntahan si MKA.

Ramdam ang presence ni KMP dahil meron itong kasamang entourage.

Ang dinig namin ay tila gusto yatang pumunta ni KMP sa mismong event nu’ng gabing ‘yon, kaya lang ay hindi ito imbitado sa strictly invitational na kaganapan.

In fairness, kung nag-insist si KMP na pupunta ito sa nasabing event ay mukhang hindi naman siya pahihindian ng event organizer at malamang malugod siyang tatanggapin sa venue.

Ganu’n kalakas ang dating ni KMP, na may sarili itong power at impluwensiya.

Mukhang hindi naman kinailangang gawin ‘yon ni KMP at hinintay na lang yata nito si MKA pagkatapos nitong pumarty.

First time naming narinig na interesado pala si KMP kay MKA, na ang alam namin ay very single at walang love life ngayon. Next time na makita namin si MKA ay uusisain namin siya tungkol dito.

Iba rin talaga ang alindog ni MKA at siya pala ang bagong natitipuhan ni KMP.

Sa ngayon ay mukhang under the radar pa lang ito, pero hindi kami magtataka kung one of these days ay makikita nang magkasama sina MKA at KMP.

‘Pag nangyari ‘yon, ibig sabihin ay ine-entertain ni MKA si KMP at malamang bet niya rin ito. Mukha namang may mga bagay silang pagkakasunduan base sa ilang pagkakatulad ng kanilang personality.

Kung sakali ay hindi ito ang first time na mali-link si KMP sa isang aktres dahil minsan na rin siyang naugnay sa isang taga-showbiz noon.

Wait na lang natin kung mauuwi sa relasyon ang tila namumuong something na ito sa pagitan nina MKA at KMP!

PAK!!