Napakalakas ng sexual tension kapag pinagsama sina Lovi Poe, Tony Labrusca at Marco Gumabao sa pelikula. Asahan na ang nag-aapoy na eksena sa big screen.

Bagamat nakipaglampungan sila with Lovi sa Hindi Tayo Puwede wala raw kumpentensiya sa kanila pagdating sa pabukol o pasantol sa underwear.

“Walang ganoon. Actually the battle is with our characters. This movie is a collaboration among the three of us. Everything was tastefully done na lahat kailangang mag-shine na hindi naiiwan ang bawat isa, ” aniya.

Biro pa niya, idol daw niya si Tony pagdating sa mga kissing at love scenes dahil napanood niya ang atake nito sa Glorious.

Katunayan,more than the sex and love scenes, the movie offers a very good and relatable story.

Hindi naman nao-offend ang Hindi Tayo Puwede star kung sa mga movies niya ay pagpantasyahan siya dahil wala raw naman siyang ginagawang bastos o malaswang pelikula.

Ang pagpapakita raw ng katawan at paghuhubad ay bahagi ng pag-arte at hindi lahat ay kayang magpaseksi tulad nila.

“Being sexy is an art. Actually, it adds motivation to us. A motivation that we could do any role that could surprise them,”ani Marco. “And I believe, it takes a real actor to do love or sexy scenes properly, “dugtong niya. (Archie Liao)