Laging sinasabi sa kanya ni Juan, “Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng iyong kapatid.” Kaya’t si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan.
Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya magawa, sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang ito’y taong matuwid at banal, kaya’t ipinagsasanggalang niya.