Kung si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang tatanu­ngin, pabor ito na iakyat ng grupo ng mga Martial Law victims sa Supreme Court (SC) ang kontrobersyal na usapin ng paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Pero, iminungkahi naman ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na ang Kongreso ang dapat na magpasya kung dapat nga bang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“Tama… ‘yan ang isa nilang dapat gawin. Kasi si Presidente Duterte nakatingin lang naman siya sa isang legality nu’ng paglibing. So, sabi niya binasa niya ‘yung mga regulations, binasa ko rin. Actually ‘yung mga regulation ‘pag tingnan mo sa regulation puwede mo nga talagang ilibing. Pero the point is based on regulation, and based on law puwede mo talagang kwestyunin sa Supreme Court,” paliwanag ni Pimentel.

Puwede rin aniyang magprotesta para sa political message na gustong iparating sa Presidente pero mas maganda umano kung may grupo na kukuwestyunin nito sa Supreme Court.

Wala rin umanong problema sa lider ng Senado kung ilan sa mga senador na miyembro ng majority bloc ay kasama sa kilos protesta ngayong araw. Hindi umano pipi­gilan ang mga ito at malayang sumama sa gagawing pagkilos kontra sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“I said officially, let the people decide. Who are the people? Our representatives and senators now sitting in Congress,” ayon naman kay Ramos.

Iminungkahi ni Ramos na maglabas ng reso­lution ang mga mambabatas tungkol sa paglilibing kay Marcos dahil sumasalamin ito sa kagustuhan ng mamamayan.

Nagsilbi si Ramos sa militar sa ilalim ni Marcos hanggang sa sumama sa pag-aaklas para mapatalsik ito noong 1986. Naging kalihim siya ng Department of National Defense at naging pangu­lo mula 1992 hanggang 1998.

7 Responses

  1. Ilan ba ang biktima ng Martial Law? Pasintabi na po pasensya na sa mga na nawala at naging biktima, pero bakit ba idineklara ang Martial Law di ba dahil sa pagdami na ng mga makakaliwa, di bat si Ramos na PC chief at Defence minister Enrile ang siyang humuli at nag torture sa mga hinihinalang kalaban ng estado, di bat pinayagan ng kongreso si FM na ideklara ito, kung pagbabasehan ang dami ng kumokontra at dahil sa media milage sasabihin mong malaking porsyento paang EDSA revolution diumano na halos 2% lang ng kabuuang populasyon ang nanduon at karamihan ay usi pa. Dapat na itama ang mga maling pag aakusa sa dating Pangulo ililibing sya doon dahil sya ay sundalo at naging pangulo, gerilya na hindi kinilala ng mga amerikano.

  2. ILANG TAON NA YAN TATANG…TAMA NA.. DAMING PERA NA NUUBOS KAPUPULONG DYAN… YUNG AYAW ..MAGRALLY SILA….BASTA WAG LANG SILA MANGGUGULO AT MANANAKIT DAHIL SIGURADONG BABAHA NG DUGO ULIT SA KALSADA!!!!

  3. kaya nga naging Senate President C Pimentel dahil sa pumayag sya na ibigay ang mga posisyon na bomoto sa kanya. kaya yan ngayon di sya makadepensa kay pangulong Du30 sa kanayang mga palano at programa dahil baka balikan sya ng mga senador na bomoto sa kanya para maloklok sa Senate presidency na posisyon. yan yung sinasabi na UTANG NA LOOB.

  4. Bakit makikialam ang SC eh kung legal ang pag-uusapan puwede dahil naging pangulo at sundalo si Marcos. Hindi tinatalakay ng SC ang tungkol sa moralidad. Sa simbahan kayo magreklamo.

  5. Dapat lang na ang pangulo ang magpasiya sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB dahil siya ang inihalal ng mga mamamayan dahil sa kanyang plataporma. Ano ang kinalaman ng SC dito? Tange. At kay Ramos bakit ang kongreso ang magpapasiya nito? Kung gusto mo ng mas detalyado ang gawin mo ay ang mga barangay chairman ang magpasiya. Binabale-wala nyo ba ang pagkakahalal na pinuno ng bansa ang presidente?
    Maraming Filipino na ngayon ang bukas ang kaisipan. Move on na kayong mga negatibo ang kaisipan at hayaan nyo ng manahimik ang bangkay ng dating pangulo. Kung ang Diyos ay nagpapatawad kayo pang mga corrupt na politiko at komunista na ang tanging hangad ay kapangrihan at magpakayaman? Mahiya kayo sa sarili ninyo!