MARCOS ‘DI MATATAHIMIK SA LIBINGAN NG MGA BAYANI

ferdinand-marcos-body

Hindi magkakaroon ng katahimikan ang pamil­ya Marcos kapag nailipat na ang labi ni da­ting Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libi­ngan ng mga Bayani.

Ito ang naging babala ni Sen. Alan Peter Caye­tano tiyak na makakaranas ng pambabastos ang pamilya sa mga naging biktima ng diktaduryang Marcos.

“Sa Libingan ng mga Bayani, you’ll have two groups going there  one group who likes him, the other group who wants to spit on their grave because may kamag-anak silang na-torture, missing, or biktima ng Martial Law,” babala ng senador.

Aniya, pinili na lang sana ng pamilya Marcos na manatili sa family mausoleum sa Batac, Ilocos Norte ang labi ng dating Pangulo kung saan tiyak na hindi pa ito magagalaw.

Kinastigo rin ni Caye­tano ang pamilya Marcos sa pagpupumilit na mali­bing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pa­ngulo, kung kaya napasubo si Pangulong Rod­rigo Duterte na ngayon ay binabatikos sa pagbibigay ng basbas.

“Ano ba naman ‘yung pamilya nila ‘yung magsabi na, ‘you know what, it’s so divisive. Thank you, President Duterte; sorry for putting this on your shoulders, sorry for putting this on the shoulder of past presidents.

Dito na lang. Gagawa kami ng napaka­gandang libingan, isang area to honor the Marcos good deeds dito sa Ilocos,” giit pa ni Cayetano.

Dahil sa pagpupumi­lit na malibing sa Libi­ngan ng mga Bayani ang dating Pangulo, parang nahukay ang mga kalansay o ang masasamang nakalipas nito tulad ng ginawang pagpapahirap sa marami noong Martial Law at kung paano umano pineke ang pagiging war hero.