Marcos patawarin na — Pacquiao

Kinatigan ni Sen. Manny Pacquiao ang paglili­bing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City upang maibaon na ang mainit na usapin hinggil dito.

Nanindigan si Pacquiao na anuman ang naging kasalanan ni dating Pangulong Marcos sa taumbayan,­ kailangang patawarin na siya upang sa gayon ay maka-­move on na ang bansa sa usaping ito.

“Huwag tayong magalit kung anuman ang nagawa niya, kailangan may forgiveness kasi kung wala tayong forgiveness, wala tayong pagpapatawad eh sa puso natin hindi tayo maka-move on,” paliwanag ng boxing icon.

Ipinaliwanag pa ng senador na ibinotong pangulo naman ng sambayanan si dating Pangulong Marcos at hindi rin dapat na kalimutan ang naging kontribusyon nito sa bansa sa kabila ng pagdedeklara nito ng Martial Law na naging mantsa ng kanyang administrasyon.

“I-consider din natin, huwag nating kalimutan,” sambit pa ng senador. “Kahit anong sama ng isang tao, magkaroon tayo ng forgiveness.”