Nadismaya ang 1973 Miss Universe na si Margarita “Margie” Moran-Floirendo hinggil sa nangyaring sexual harassment sa ilang kandidata sa nakaraang Miss Earth na ginanap dito sa bansa.
“It’s really awful you know… its sounds really terrible,” ang paha­yag ni Margie bunsod ng kontro­bersiyang kinasangkutan ng naturang beauty pageant na pang-aabuso umano ng isang sponsor sa ilang kandidata.
Inihayag din ng dating beauty queen na walang isyu ng sexual harassment noong panahon na sumali siya sa pageant.
“I’ve not heard any victims of sexual harassment in so many years. This is the first time,” aniya pa.
“Sisipain ko siya (laughs),” pabiro niyang sagot kung sakaling naranasan niya ang pang-aabuso noong kanyang panahon sa Miss Universe.
“But you know, I don’t really know in the past kasi if there’s sexual harassment. It’s only now women are very vocal also. It could have happened in the past but we didn’t know,” ayon pa sa kanya.
Bunsod ito sa pagpiyok ni Miss Canada Jaime VanderBerg na ginamit ang social media upang ipaalam ang kanyang masamang karanasan hanggang sunod-sunod na nagpahayag ang ilan pang mga biktima.
“But now women are more different… Dati kasi we don’t have any protection against sexual harassment,” patuloy pa ng former Miss Universe.
Sumang-ayon naman si Margie sa pagiging matapang ng mga kandidata na ilahad ang katotohanan sa nangyaring pang-aabuso sa kanila.
“Definitely tama, they should speak out. It’s violence against women and it’s a law so women are protected these days ­already,” ani Margie.