Marian, 3 pang anak ang gusto

Marian Rivera

KINIKILIG si Marian Rivera sa obserbasyon ng karamihan na lalong nagiging kamukha ­niya si Baby Zia.

Nine months na ang bagets at all-out ang pag-aalaga rito ng GMA Primetime Queen.

Tamang-tama lang na tapos na ang Yan ang Morning, kaya naka-focus na siya ngayon kay Baby Zia.

Noong may morning show pa si Marian, wala gaanong trabaho si Dingdong. Kaya siya ang nagbabantay noon.

Pero ngayon ay balik trabaho na ang GMA Primetime King. Lagare si Dingdong sa bagong drama series niyang Alyas Robinhood at ang pelikula niyang Unmarried Wife kasama si Angelica Panganiban.

“Ang hirap kasi kung parehas kami na magulang ni Zia na wala sa kanya. So, right ti­ming talaga na tinapos na ‘yung Yan ang Morning, si Dong naman ang nagtatrabaho.

“Pero ang Sundays talaga, ‘yun ang walang work si Dong, ‘yun naman ang time niya para kay Zia,” pahayag ni Marian sa presscon ng Sunday Pinasaya.

“Basta pagkatapos mag-soap ni Dong, ako naman. Napag-usapan naming mag-asawa na hindi kami puwedeng sabay mawala sa paglaki ng anak ko.

“Hindi ko talaga ipagpapalit… gusto ko, lalaki ang anak ko na nakikita ang lahat na nangyayari sa kanya,” sabi pa nito.

Nakahanda na rin kaya silang mag-asawa na sundan si Baby Zia?

“Kung ipagkakaloob ng Pa­nginoon.

“Kasi sabi ko, 2 years gap, okay na ako. Kasi, gusto ko magpa-breastfeed hanggang isang taon si Zia eh,” sagot ni Marian.

Kung siya ang masusunod, gusto sana niya eh apat na anak — dalawang boys, dalawang girls.